Bilang opisyal na pagbubukas ng taon, matagumpay na idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay ang taunang New Year’s Call, bilang pagpapakita ng paggalang at suporta sa Punong Bayan Nestor D. Natanauan at sa kanyang administrasyon, na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, malasakit, at paninindigan sa tapat at makabuluhang paglilingkod sa mamamayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Punong Bayan ang mga pangunahing layunin ng lokal na pamahalaan para sa bagong taon, kabilang ang pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng bawat kawani, anumang antas ng tungkulin para sa ikabubuti ng bayan, gayundin ang sama-samang pagsisikap tungo sa kaunlaran, kapayapaan, at patuloy na pag-unlad ng Talisay.
0 Comments