Pinangasiwaan ng MLGOO Arlene D. Banaag ang pagbabahagi ng RA 11313 o Anti-Bastos Law. Dumalo sa pagpupulong ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan, Ikalawang Punong Bayan Francis M. Magsino, Kon. Ma. Teresa M. Panghulan na siyang Chairman of Committee on Women and Family, Kon. Henry C. De Leon, ABC President Edgardo Santarin at ang mga pinuno ng bawat tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay.
Layunin ng pagpupulong na matalakay ang pagpapalakas ng kampanya laban sa harassment online, pampublikong lugar at sa ating mga pinagtatrabahuhan. Binigyang-diin rin sa pagpupulong ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng respeto at dignidad sa bawat isa, lalo na sa kabataan at mga kababaihan.
0 Comments