Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Pambayang Administrador Alfred S. Anciado at Tanggapan ng Pambayang Agrikultura ang pamamahagi ng mga lambat-pangisda sa may 300 miyembro ng Kilusan ng Maliliit na Mangingisda sa Lawa ng Taal (KMMLT) na nagmula sa 6 na coastal barangays ng Talisay. Inaasahan na ang mga nasabing kagamitang-pangisda ay makakatulong upang mapataas ang huli at kita ng mga miyembro ng samahan na nakatanggap nito.
0 Comments