Ngayong araw ay bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan ang mga kinatawan ng National Commission of Senior CItizens (NCSC) sa pangunguna ng Project Development Officer II, Bb. Mae Ann U. Mancao at Project Development Officer I, Bb. Hanipa A. Benito, kasama ang OSCA Head, Gng. Gloria Viar.
Ito ay para iparating sa Punong Bayan ang kanilang isinagawang pamamahagi ng Cash Gift sa 113 na Senior Citizens na Octogenarian at Nonagenarian. Ang bawat isa ay nakatanggap ng 10,000 piso.
0 Comments