Sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan, matagumpay at masiglang isinagawa ng Municipality of Talisay ang pamamahagi ng octogenarian cash gift para sa mga senior citizen celebrants mula July hanggang October.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling ipinamalas ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagpapahalaga at pagkilala sa mga nakatatanda na nagsilbi bilang pundasyon ng ating komunidad.
Nawa'y maging daan ang munting handog na ito upang madagdagan ang kagalakan at diwa ng Kapaskuhan para sa ating minamahal na lolo’t lola. π❤️✨
0 Comments