Bilang pagkilala sa sipag, talino, at determinasyon ng kabataang Talisenyo, nagbigay ang pamahalaang lokal ng insentibong nagkakahalaga ng ₱5,000 sa 72 na kabataang Talisenyo na nakapasa sa board examination ngayong taon sa kanilang napiling propesyon.
Layunin ng programang ito na bigyang-pugay ang mga Talisenyong bagong lisensyadong propesyonal at magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na magsikap sa kanilang pag-aaral. Saklaw ng insentibo ang mga board passers mula sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon, engineering, nursing, criminology, at iba pang kinikilalang propesyon.
Pabatid lamang po at paumanhin na hindi po nakasama sa binigyan ng insentibo ang mga hindi nakapagpasa ng mga kinakailangang dokumento sa itinakdang petsa.
0 Comments