Sa pangungunan ni Schools Division Superintendent Dr. Marites A. Ibanez ay matagumpay na naisagawa ang ika-10 Gawad Balisong kung saan dumalo ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan.
Ito ay naglalayong mabigyang parangal ang mga guro para sa kanilang dedikasyon, husay sa pagtuturo, at tunay na malasakit sa kanilang mga mag-aaral at komunidad.
Ganun din ang pagbati ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay kay Gng. Jonna May D. Casalme, Head Teacher I mula sa San Guiilermo Elementary School na siyang nominado bilang Outstanding Teaching Related Personnel.
0 Comments