Dumalo ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa 2025 LCEs and LSWDOs Regional Convention na ginanap Pontefino Hotel, Pastor Village Batangas city.
Ito ay may temang “Strengthening Local and National Collaboration for Sustainable Social Development: Planning for 2026 and Beyond,” layunin ng pagtitipong ito na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga lokal at pambansang ahensya upang mas mapahusay ang mga programa at serbisyong panlipunan.
Tinalakay rito ang mahahalagang usapin ukol sa social welfare programs, local governance, evidence-based planning, at pagpapatatag ng koordinasyon para sa mas epektibo at inklusibong pag-unlad ng mga komunidad.
Patuloy ang ating Lokal na Pamahalaan sa pakikiisa sa mga programang naglalayong maghatid ng mas matatag, makatao, at makabagong serbisyo para sa lahat.
0 Comments