๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐‡๐š๐ค๐›๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐„๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ! ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“




Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Reengineering and Citizen’s Charter Workshop sa NDN Resort and Events Place na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Talisay at ng ilang Secretary ng Barangay. Ang workshop na ito ay nagbigay ng mahalagang espasyo upang mas mabusising suriin ang mga umiiral na proseso at tuklasin ang mga konkretong hakbang para sa mas mabilis, mas sistematiko, at mas transparent na serbisyo publiko.
Sa kabuuan ng dalawang araw, masiglang nakipag-ugnayan ang mga kalahok sa pagbuo ng mga streamlined workflows, pag-update ng service standards, at pag-align ng Citizen’s Charter sa mandato ng RA 11032. Binigyang-diin ng workshop ang kahalagahan ng shared responsibility at teamwork upang matiyak na ang bawat kawani at bawat departamento ay may malinaw na tungkulin sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo.
Taos-puso ang pasasalamat ng LGU Talisay sa lahat ng lumahok at nagbahagi ng kanilang kaalaman, panahon at dedikasyon lalong higit sa ARTA Southern Luzon Team na pinangungunahan ni Dr. Karl Joseph D. Sanmocte. Sa inyong patuloy na suporta, mas naipapakita natin ang tunay na diwa ng magandang pamamahala—isang pamahalaan na may malasakit, may integridad, at may malinaw na hangaring paglingkuran ang mga mamamayan ng may kahusayan.

Post a Comment

0 Comments