𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐎𝐩𝐥𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Para sa paghahanda sa darating na Undas ngayong taon, nagkaroon ng pagpupulong ang mga ahensyang gaganap sa pangunguna ng Pambayang Administrador. Tinalakay ang paghahanda at dapat gawin sa pagdagsa ng mga sasakyan upang maging maluwag ang daloy ng trapiko sa mga papuntang sementeryo.
Kasama sa pagpupulong ang Kura Paroko Padre Eugene Dominic Hechanova, PNP, BFP, Coast Guard TMO, kinatawan ng CART Radio Team, kinatawan ng Sto. Niño Memorial Park, kinatawan ng Sanctuario de San Guillermo, mga Punong Barangay ng Pob 1,3,5 at Banga, at Pangulo ng Toda.
Hangad natin na maging ligtas at maayos ang okasyon ng paggunita sa ating mga namayapang mahal sa buhay
0 Comments