𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 𝐒𝐮𝐛-𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐀𝐭𝐡𝐥𝐞𝐭𝐢𝐜 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Ginanap ngayong araw ang pagbubukas ng Talisay Sub-Office Athletic Association Meet 2025. Nilahukan ito ng mga manlalaro sa mga pribado at pampublikong paaralan ng elementarya at sekundarya sa ating bayan. Dumalo ang Pambayang Administrador kasama sina Konsehal Felix Salazar na siyang Chairman on Committee of Education at Konsehal Ma. Teresa Panghulan.
Layunin ng programa na maipakita ang galing ng mga Talisenyong manlalaro at makatuklas ng mga manlalarong maaaring mailaban sa mga pampaligsahang nasyonal. Gayundin ay upang maging aktibo ang mga kabataan sa larangan ng palakasan.
0 Comments