𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐍𝐞𝐬𝐭𝐨𝐫 𝐃. 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧, 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐔𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐥𝐦𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬-𝐑𝐞𝐜𝐭𝐨
𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Dumalo ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa ginanap na “The First 100 Days: Gov. Vi Special Report” na isinagawa sa Batangas Province Event Center sa Bolbok, Batangas.
Ang pag-uulat ay naglalayong ipabatid sa mga Batangueño ng mga nagawa ng Pamahalaang Lalawigan sa pangunguna ni Gov. Vilma Santos Recto sa loob ng unang isang daang araw nya sa panunungkulan. Gayundin ay ang mga programa, proyekto, at adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan para sa patuloy na pag-unlad ng buong probinsya.
0 Comments