𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Alinsunod sa Section 318 ng R.A. 7160 o Local Government Code ay isinumite ngayong araw, Oktubre 14, 2025, ng ating Municipal Budget Office sa pangunguna ni Gng. Jovita L. Caraan ang Local Expenditure Program for CY 2026 ng Bayan ng Talisay. Ito naman ay tinanggap ng Office of the Secretary to the Sanggunian sa pamumuno ni G. Norman M. Opena.
Ang nasabing Local Expenditure Program ay ang panukalang budget ng ating bayan para sa taong 2026 na babalangkasin at aaprubahan ng Sangguniang Bayan bago matapos ang taong kasalukuyan.
0 Comments