𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐑𝐞𝐝 𝐓𝐚𝐩𝐞 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐀𝐑𝐓𝐀) 𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲
𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isinagawa ng mga kawani mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) Southern Luzon Regional Field Office sa pangunguna ng kanilang Regional Director, Dr. Karl Anthony D. Sanmocte, ang monitoring at inspection sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay bilang bahagi ng kanilang layuning masiguro ang pagsunod sa mga pamantayan ng mahusay na pamamahala at tapat na serbisyo publiko.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong suriin at paigtingin ang implementasyon ng mga ARTA initiatives upang higit pang mapabilis, mapahusay, at maging episyente ang mga proseso ng serbisyo para sa mamamayang Talisenyo.
0 Comments