𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩
𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson Hon. Nestor De Castro Natanauan, opisyal na nagsimula ang pagbuo ng komprehensibong DRRM Plan ngayong araw, Setyembre 15. Layunin ng pagtitipon na suriin ang mga lokal na peligro at paghandaan ang posibleng epekto nito, at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng LGU, stakeholders, at komunidad at pagbuo ng epektibong stratehiya para sa mabilis na pagtugon at pagbangon.
Nagpupugay sa lahat ng dumalo—mga opisyales, eksperto, at volunteer—na nagkaisa para sa layuning "ligtas at matatag na Talisay, Batangas." Ang pagpaplano ang unang hakbang tungo sa mas pinaigting na kahandaan.
#LDRRMP2026-2028 #TalisayBatangasPrepares
"Ang paghahanda ay sandigan ng ligtas at matatag na pamayanan."
0 Comments