𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Bilang pagtugon sa panawagan ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating Gobernadora, Kgg. Vilma Santos-Recto, katuwang ang DILG Cluster 3, nakilahok ang Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa ginanap na sabayang Coastal Clean-up activity sa paligid ng lawa ng Taal na may temang “CLEAN SEAS AGAINST THE CLIMATE CHANGE CRISIS: TAYO ANG SOLUSYON”. Naging kahabagi din ng aktibidad na ito ang ibang ahensya at organisasyon dito sa ating bayan gaya ng Knights of Columbus, Talisay Senior High School, Philippine Red Cross Talisay Chapter at mga opisyales at volunteers ng Barangay Tumaway.
Ang paglilinis sa paligid ng lawa ng Taal ay bahagi din ng pagdiriwang ng ika-125 anibersayo ng Serbisyo Sibil kung kaya’t ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ay aktibong nakiisa sa programang ito bilang pagpapakita ng malasakit sa ating kalikasan.
Tayo mismo ang magiging pagbabago—patuloy nating pangalagaan ang ating mga yamang-dagat at panatilihing ligtas, malinis, at buhay ang ating mga baybayin—para sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.
#VSRCommunities
#CoastalCleanupDrive2025
#InternationCoastalCleanup
#NationalCoastalCleanup
#PCSA2025
#PCSA125
0 Comments