π˜”π˜°π˜€π˜¬ 𝘝𝘒𝘭π˜ͺπ˜₯𝘒𝘡π˜ͺ𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘊𝘢𝘭𝘡𝘢𝘳𝘒𝘭 π˜”π˜’π˜±π˜±π˜ͺ𝘯𝘨 π˜–π˜Άπ˜΅π˜±π˜Άπ˜΅ ng Bayan ng Talisay.





 "π“œπ“Έπ“¬π“΄ π“₯π“ͺ𝓡𝓲𝓭π“ͺ𝓽𝓲𝓸𝓷 𝓸𝓯 𝓒𝓾𝓡𝓽𝓾𝓻π“ͺ𝓡 π“œπ“ͺ𝓹𝓹𝓲𝓷𝓰 π“žπ“Ύπ“½π“Ήπ“Ύπ“½"

Pinangunahan ng Pinuno ng Tanggapan ng Pambayang Turismo at Ugnayang Pangkultura na si Bb. Genalyn M. Barba ang matagumpay na π˜”π˜°π˜€π˜¬ 𝘝𝘒𝘭π˜ͺπ˜₯𝘒𝘡π˜ͺ𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘊𝘢𝘭𝘡𝘢𝘳𝘒𝘭 π˜”π˜’π˜±π˜±π˜ͺ𝘯𝘨 π˜–π˜Άπ˜΅π˜±π˜Άπ˜΅ ng Bayan ng Talisay. Isang mahalagang hakbang sa patuloy na pangangalaga sa ating lokal na pamana.
Kabilang sa mga nagsilbing tagapagsuri (validators) sa aktibidad sina Dr. Herminia E. Manimtim, G. Gil M. Manimtim, Kgg. Ildefonso B. Panghulan at Engr. Gerardo L. Landicho. Nagbahagi naman ng mahahalagang kaalaman ang mga resource speaker na sina Bb. Divine G. Arawiran at G. Mark Emmanuel S. Magsino mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
Buong suporta ring ipinamalas ng ating Punong Bayan Nestor D. Natanuan at Konsehala Ma. Teresa Panghulan, na dumalo upang ipakita ang kanilang malasakit sa kultura’t kasaysayan ng Talisay.
Isang patunay na buhay na buhay ang diwa ng pagkakakilanlan at pagmamalasakit sa ating mga ninuno.

Post a Comment

0 Comments