𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐎𝐮𝐭𝐥𝐞𝐭 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓

 




𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐎𝐮𝐭𝐥𝐞𝐭 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Civil Registrars Office sa pangunguna ni Gng. Cynthia P. Ramilo ay muling isinagawa sa ating bayan ang Civil Registration Service Mobile Outlet.
Iba't - ibang serbisyo ang isinagawa ngayong araw para sa ating mga kababayan: 137 ang mga naging kliyente, 223 ang naisyuhan ng mga dokumento, 48 ang nakapag rehistro para sa National ID at 28 naman ang nakakuha ng Phil ID.
Nais ng Lokal na pamahalaan na mailapit sa ating mga kababayan ang ganitong mga serbisyo upang mapabilis ang pagkuha ng Birth Certificate na isang napakahalagang dokumento na kinakailangan ng ating mga kababayan,gayundin ay para makaiwas sa paghihintay sa mahabang pagpila at mas malaki pang gastusin kung aalis pa ng Talisay upang kumuha nito.

Post a Comment

0 Comments