𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐀𝐫𝐞𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 - 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 (𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡)
𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isinagawa ngayong araw ang pagpupulong ng PAMB - PDC (North) na kinabibilangan ng bayan ng Talisay, Laurel at Tagaytay at pinangungunahan sa kasulukuyan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan bilang Pangulo. Dumalo rin sina G. John Alfred S. Palcon ng BFAR-4A, Gng. Marivic P. Esmas bilang kinatawan ni Gov. Vilma Santos Recto, G. Mark Gil Sango ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Gng. Gladys Marasigan ng Tagaytay City at G. Rodrigo Cacao na siyang Presidente ng TLAAI.
Naging mahalagang bahagi ng pagpupulong ang hinggil sa mga pinaplanong mga proyekto na malapit sa Taal Volcano Protected Area o TVPL. Layunin nito na masigurado na ang mga proyekto ay hindi makakaapekto sa ating bayan at sa lawa ng Taal.
0 Comments