𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐈𝐧𝐚𝐠𝐮𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐏. 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥





 𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐈𝐧𝐚𝐠𝐮𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐬𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐏. 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥

𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Pinasinayaan ngayong araw ang opisyal na pagbubukas ng Francisco P. Gonzales School Building sa Quiling Elementary School at ang pagbabasbas na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Eugene Dominic I. Hechanova.
Pinangunahan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan, Vice Mayor Francis Magsino at mga myembro ng Sangguniang Bayan ang pagdalo sa makasaysayang araw na ito kasama si PSDS Dr. Ginalyn U. Macaraig at mga Punong Guro ng mga pampublikong paaralan, mga opisyales ng Brgy. Quiling sa pangunguna ni Brgy. Capt. Helen Luna, mga pinuno ng bawat Tanggapan ng Lokal na Pamahaalan ng Talisay, mga guro at ang pamilya ni G. Francisco Pamplona Gonzales.
Ang tatlong palapag na gusali na may siyam na silid aralan ay proyekto ng Lokal na pamahalaan ng Talisay, Batangas. Ang pagtatalaga nito bilang Francisco P. Gonzales Building ay tanda ng pagkilala sa kanyang suporta sa pag-unlad ng komunidad at bilang pasasalamat sa pagkakaloob ng lupa na kinatatayuan ng Quiling Elementary School.

Post a Comment

0 Comments