𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐲𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧

 



𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐲𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧

𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na epekto ng habagat na dulot ng Bagyong Dante at Bagyong Emong, patuloy ang pagbabantay at paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang Talisayeno.
Sa pangunguna ng MDRRMO at MSWDO, ang mga kawani ng LGU ay patuloy na umaagapay sa ating mga kababayan sa mga evacuation centers sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong at suporta.
Patuloy ding mino-monitor ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan ang operasyon ng MDRRMO, kabilang ang pakikipagpulong sa mga pinuno ng tanggapan upang matiyak ang kahandaan at koordinadong pagtugon sa mga serbisyong pang-emergency.
Muli rin niyang binisita ang Barangay Sampaloc upang makita ang aktuwal na kalagayan ng lugar sa gitna ng walang patid na pag-ulan.

Post a Comment

0 Comments