BABALA SA PUBLIKO

 


BABALA SA PUBLIKO

Ipinagbibigay alam po sa publiko na walang sinuman ang binibigyan ng awtorisasyon ng Lokal na Pamahalaan na magsolicit para sa gaganaping Christmas Party. Ang gagawin pong party ng LGU ay simpleng salu-salo lamang at hindi ipinanghihingi ng tulong pinansyal.
Mangyari lamang po na ipagbigay alam sa Tanggapan ng Punong Bayan kung sinuman pong indibidwal o establisyimento ang pinuntahan ng dalawang babae na nasa larawan/video. Ipinagbibigay alam din po sa lahat na sila po ay walang kaugnayan sa alinmang tanggapan sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay..
Mag-ingat po tayo sa mga ganitong modus ng mga gustong manamantala.

Post a Comment

0 Comments