Iisang layunin para sa isang maunlad na Talisay





 Iisang layunin para sa isang maunlad na Talisay

Nagsama-sama ang mga Punong Barangay para sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan. Muli ay nagpasalamat siya sa suporta ng mga ito sa mga programa ng lokal na pamahalaan lalo’t higit ay ang may kaugnayan sa kalinisan, katahimikan at pag-unlad ng bayan. Katulad ng kanyang laging sinasabi, ang kanyang hangarin ay hindi pansarili kundi para sa ikabubuti ng bayan at hindi niya ito magagawang mag-isa, malaking bahagi nito ay ang pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay at ng mga mamamayang Talisenyo.

Post a Comment

0 Comments