Ginanap ang dalawang (2) araw na Team Building na may temang Gender Equality





 Ginanap ang dalawang (2) araw na Team Building na may temang Gender Equality in the Workplace sa Club Balai Isabel nitong 12-13 ng Setyembre 2024 bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng mga Lingkod Bayan o Civil Service Month.

Ito ay dinaluhan ng mga kawani mula sa iba't ibang tanggapan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong-Bayan Nestor D. Natanauan, Pangalawang Punong-Bayan Francis "Patet" M. Magsino, mga myembro ng Sangguniang Bayan at ng ating Pambayang Administrador Alfredo S. Anciado katuwang ang Human Resource Management Office (HRMO) alinsunod sa Executive Order 292 o mas kilala bilang Administrative Code of 1987 at CIVIL SERVICE COMMISSION (CSC) Resolusyon Bilang 101262 na ipinahayag noong Hunyo 22, 2010 na Mga Binagong Alituntunin sa pagsasagawa ng mga aktibidades o programa ng Team Building na pinapatupad ng nasabing ahensya.
Ito ay nagtatakda na “bawat opisyal at empleyado ng pamahalaan ay isang asset o mapagkukunan na nararapat pahalagahan, paunlarin at gamitin sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa publiko. Samakatuwid, ang pagbuo at pagpapanatili ng isang lubos na karampatang at propesyonal na mga manggagawa sa pampublikong serbisyo ay dapat na pangunahing alalahanin ng bawat departamento o ahensya."
Sa pamamagitan nito ay lalong napaunlad ang kakayahan at napanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kawani tungo sa iisang adhikain. Ito ay ang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga Taliseno.

Post a Comment

0 Comments