Gawad Parangal sa Lingkod Bayaning Taliseno.






Gawad Parangal sa Lingkod Bayaning Taliseno.
Ang programang ito ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng ating Punong-Bayan Nestor D. Natanauan, Pangalawang-Punong Bayan Francis M. Magsino at mga miyembro ng Sangguniang Bayan bilang pagbibigay-parangal sa ating mga Lingkod Bayan sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at matapat na serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Talisay. Katuwang sa programang ito ay ang Human Resource Management Office. Ito ay alinsunod sa umiiral na polisiya ng ating lokal na pamahalaan na Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) na ipinatutupad ng Civil Service Commission (CSC). Ito ay bahagi din ng selebrasyon ng Buwan ng Lingkod Bayan o Civil Service Month.
Sa seremonya, labinlimang (15) lingkod bayan mula sa iba't-ibang tanggapan ang tumanggap ng plake ng pagkilala sa kanilang matapat at patuloy na serbisyo publiko. Limang (5) lingkod bayan sa 15 taon ng serbisyo, anim (6) na lingkod bayan sa 20 taon na serbisyo, dalawang (2) lingkod bayan sa 25 taon na serbisyo at dalawang (2) lingkod sa 30 taon na serbisyo. Pinangaralan din ng sertipiko ng pagkilala ang dalawamput-walong (28) lingkod bayan dahil din sa kanilang mga kontribusyon sa kanilang mahabang panahon ng serbisyo publiko higit sa mga taong nabanggit.
Dagdag pa rito ay ginawaran din ng parangal ng ating Punong-Bayan at Pangalawang Punong-Bayan ang labindalawang (12) Puno ng iba't-ibang Tanggapan dahil sa kanilang mga mahahalagang kontribusyon at pagpapakita ng kahusayan at katapatan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Ang mga nagawa at ipinakitang kahusayan ng ating mga lingkod-bayan ay patunay ng mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon para patuloy na makapagbigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa ating mga mamamayan. 

Post a Comment

0 Comments