Naganap ngayong araw ang Contingency Plan for Taal Volcano Eruption: Improvement Review and Proposal for the Municipality of Talisay, Batangas, ito ay piniresenta ng mga estudyante ng Batangas State University -TNEU na kumukuha ng kursong Masters in Disaster Risk Management sa pangunguna ni Gng. Fe Fernandez. At dumalo ang ating Pambayang Administrador, mga myembro ng Sangguniang Bayan, mga Pinuno at kitawan ng bawat departamento, mga kapulisan, Coast guard, BFP at Principal ng pampublikong paaralan sa pangunguna ng Public School District Supervisor Dr. Ginalyn Macaraig.
Ang contingency plan ay mahalaga sa paghahanda sa panganib ng pagsabog ng Bulkang Taal. Ito'y nagbibigay daan para sa maayos at epektibong tugon sa mga kritikal na pangyayari tulad ng pag-evacuate ng mga residente, pagbibigay ng emergency services, at pangangasiwa sa mga pangangailangan ng komunidad.
0 Comments