Isinagawa ang Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT) for SK Secretaries and SK Treasurers. Ang pagsasanay na ito ay naaayon sa SK Reform Act at naglalayon na maibigay sa mga bagong uupong Sangguniang Kabataan Officials ang mga kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit sa loob ng kanilang panunungkulan.
Pinasinayaan ng Punong Bayan ang pagsasanay na ito kung saan pinagbigyang diin niya ang kahalagahan ng mga posisyong nabanggit lalo na sa tamang paghawak ng pananalapi.
Ang pagsasanay na ito ay isinagawa ng opisina ng DILG sa pangunguna ni Ms. Ma. Teresa S. Tipa, MLGOO, sa tulong ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Ms. Kristal Sheen S. Terrible.
Agad ding isinagawa ang Mass Oath taking ng mga naturang SK Officials na pinangunahan ng ating Punong Bayan matapos ang nasabing pagsasanay.



0 Comments